Answers

2015-01-29T21:03:49+08:00

Uri ng Pang-abay

1.      Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa:

Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.

2.      Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa:

Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.

3.      Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa.  Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa:

Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.

4.      Pang-abay na Pang-agam  - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.

Halimbawa:

Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.

5.      Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa.  Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan.

Halimbawa:

Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.

6.      Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.

Halimbawa:

Opo, mahusay sumayaw si Gabby.

7.      Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.

Halimbawa:

Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.

8.      Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.

Halimbawa:

Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.

Post to DiggPost to StumbleUpon

0