Answers

2015-02-18T18:31:23+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
agaw-buhay -- naghihingalo
anak-pawis -- magsasaka
anak-dalita -- mahirap
alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain lang
balitang kutsero -- hindi totoong balita
balik-harap -- mabuti sa harapan, taksil sa likuran
bantay-salakay -- taong nagbabait-baitan
Balat-sibuyas -- manipis, maramdamin
balat-kalabaw -- makapal, di agad tinatablan ng hiya
buto't balat -- payat na payat
tulak ng bibig -- salita lamang, di tunay sa loob
dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal
halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay
mahapdi ang bituka -- nagugutom
makapal ang bulsa -- maraming pera
butas ang bulsa -- walang pera
sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera
nagbabatak ng buto -- nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan
matigas ang buto -- malakas
kidlat sa bilis -- napakabilis
kusang palo -- sariling sipag
mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho
magaan ang kamay -- madaling manuntok, manapok, manakit
mabilis ang kamay -- mandurukot
malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya


0