Answers

2015-03-11T15:07:28+08:00
Tayutay -- ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumagamit ng talinghaga o di - karaniwag salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin. URI AT HALIMBAWA: Pagtutulad -- di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing, sim, magkasing, magkasim, at iba pa 1. Magkasing sarap ang luto ng aking tita at nanay. 2. Tulad ng isang diyosa ang kanyang ganda. Pagwawangis -- tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. 1. Reyna siya sa kasipagan 2. Hari siya ng kagwapuhan Pagmamalabis -- ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at ipa pang katangian, kalagyan o katayuan. 1. Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan. 2. Namuti ang kanyang buhok kakahintay sa'yo Pagbibigay katauhan -- Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao-talino, gawi, kilos ang mga bagay na walng buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pang 1. Hinalikan ako ng malamig na hangin. 2. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
0