Answers

2015-03-18T13:32:55+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang talumpati ay isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Paraan ng pagtatalumpati Binasa - inihanda at iniayos ang pagsulat upang basahin nang malaks sa harap ng mga tagapakinig. Sinaulo - inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Binalangkas - ang mananalumpati ay naghanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Nakahanda ang panimula at wakas lamang.
Hakbangin sa paggawa ng talumpati Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at interes. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at pangwakas. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.




0
tnx po makakagraduate na aq
ok lng po, tnx po ult pakivgay nga po kng my alm pa po kau TNX PO ULIT