Answers

2015-03-19T22:23:57+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Mga uri ng tayutay 

Pagtutulad (Simili) - Ito ay paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may pagkakaugnay na mga bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.

Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan upang pag nagbalik, ito'y sadyang sa iyo nakalaan.

Metapora (Methapor) - Ito ay naghahambing din katulad ng pagtutulad subalit direkta ang paghahambing ng dalawang bagay at hindi na ginagamitan ng mga panlapi at salitang naghahambing.

Ang kanyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng panahon.

Personipikasyon (Personification) - Ito ay pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talino, gawi at kilos sa mga bagay na walang buhay.

Lumuha pati ang langit sa kanyang naging kasawian.

Pagtawag (Apostrophe) - Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang dinaramang kaisipang para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao.

Pag-ibig, tingnan mo ang ginawa mo sa puso kong sugatan.

Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) - Dito ay sadyang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.

Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawalang buhay ng kanyang ama.
0