Answers

2015-04-02T17:24:25+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Maraming bansa ang sumakop sa Malaysia. Ang mga ito ay ang Portugal, Netherlands at England.

     Unang sinakop ng mga Portuges ang Malacca na bahagi ng Malaysia noong 1511 sa pamumuno ni Alfonso de Albuquerque gamit ang malakas na kanyon at barkong pandigma. Istratehiko ang lokasyon nito dahil malapit ito sa Strait of Malacca. Inagaw ng Netherlands sa pamamagitan ng Dutch East India Company ang Malacca mula sa mga Portuges. Dahil dito nagkaroon ng monopolyo sa pangangalakal ng mga pampalasa ang Dutch. Subalit dahil sa Napoleonic Wars, napasakamay ng England ang Malacca. Noong panahon na iyon, naghahanap ang England ng maayos na daungan para sa mga barko nito na naglalayag sa South-East Asia. Nakipagsundo ang mga British sa mga sultan ng mga isla sa paligid ng Strait of Malacca tulad ng Penang at Singapore upang makapagtayo sila ng daungan dito.

0