Answers

2015-04-15T20:27:31+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
                         Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

      Makikilala sa ibaba ang mga tauhang nagbigay-buhay sa makulay na mundo ng koridong Ibong Adarna. Isa-isa nating kilalanin ang mga tauhang ito, pati na rin ang kani-kanilang ginagampanang papel upang dito pa lang ay malaman kung ano-ano ang aasahan sa kani-kanilang pakikipagsapalarang nagbigay kagandahan sa isang walang kamatayang korido ng bayan.

Ibong Adarna - Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang ibong tanging makapagpapagaling kay Haring Fernando sa pamamagitan ng magandang tinig nito.

Haring Fernando - Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.

Reyna Valeriana - Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro, at Don Diego.

Don Pedro - Siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana na nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.

Don Diego - Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ay tumungo rin sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman.

Don Juan - Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor.

Donya Maria - Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ay isa sa mga babaeng minahal ni Don Juan.

Haring Salermo - Siya ang hari ng Kahariang Reyno de los Cristales na nagbigay ng matitinding pagsubok kay Don Juan.

Donya Isabel - ang kapatid ni Donya Maria Blanca

Donya Juana - kapatid ni Donya Maria Blanca

Donya Leonora - Siya ang magandang prinsesa ng Kaharian sa Armenya na nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan.

Donya Juana - isa siya sa mga prinsesa ng Kaharian sa Armenya na kapatid ni Donya Leonora

Ang Ermitanyo - matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong kay Don Juan

Ermtanyong Uugod-ugod - ang tumulong kay Don Juan upang manumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego

Arsobispo - ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora

Lobo - ang alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa Kaharian ng Armenya

Ang Higante - ang may bihag at nagbabantay kay Donya Juana

Ang Serpyente - malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay Donya Leonora

**
Hay sa wakas, tapos na rin XD Kk I got this from a book btw :)

0
SINASABI KO LANG NAMAN EH
WELL IM
IM SHARING MY OPINION TOO
EWAN KO SAYOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
EWAN KO RIN SAYO