Answers

2014-06-09T17:11:05+08:00
by : Andrea Pahutan

Ano ba ang mahalaga 
Na magkaroon ang bansa
Hindi ba't maging malaya
Sa kamay ng mga Kastila

Malayang pagsasalita,
Malayang mamuno sa bansa,
Maging malayang magpasya,
At hindi alila ng iba

Lahat ito ay nangyari
Dahil sa magigiting na bayani
Na buhay ay inalay
Sa bansang kinalakihang tunay

Tumayo tayo't ipagmalaki
O Pilipinas kong tangi
Malaya dahil sa mga bayani
Pilipino hanggang sa huli


3 5 3
2014-06-09T18:04:55+08:00
Sa araw na itoy ating gunitain
itong kalayaan matagal ng atin
mayroon pang higit na sasaya kaya?
kaysa sa isang bansang malayang-malaya

itong kalayaan atin ngang isipin
kung nasusunod mo ang mga alintutunin
sa pag-iisip mo ikaw ba ay malaya?
malaya karin ba sa iyong pag gawa?

kung may gagawin kang isang kamalian
o may masama kang pinag iisipan
ang tanong koy ito -ikaw ba ay malaya?
sa pagsasagawa ng maling adhika?

kayat pakinggan mo payo ko sayo
itong kalayaan pakiingatan mo
iyong gamitin lang sa gawang mabuti
upang kapayapaan ang syang manatili.

SALAMAT PO sana po nakatulong ako pasensya na po ah kung panget yan ^_^


1 5 1