Answers

2015-06-04T19:06:48+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang mga agham panlipunan (Ingles: Social Science) ay isang pangkat ng mga displinang akademiko na pinag-aaralan ang mga aspeto ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito mula sa mga sining at humanidades at sa halip nagbibigay diin sa paggamit ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensiya sa pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang nabibilang (quantitative) at pangkatangian (qualitative).Tinutukoy minsan bilang mga malalambot na agham (soft sciences) ang mga agham panlipunan, sa pag-aaral ng parehong inter-subhektibo at obhektibo o aspetong kayarian ng lipunan. Salungat ito sa mga matitigas na agham (hard sciences) na maaaring eksklusibong nakatuon sa obhektibong aspeto ng kalikasan.Sumasangkot ang mga dalubhasa sa agham panlipunan sa pagsasaliksik at pag-teoriya tungkol sa parehong pinagsama at indibidwal na mga asal.Kabilang sa pangunahing mga agham panlipunan ang sumusunod:AntropolohiyaKomunikasyonKultural na mga pag-aaralEkonomiksEdukasyonHeograpiyaKasaysayanLinggwistikaBatasAgham pampolitikaSikolohiyaPanuntunang panlipunanSosyolohiya
0