Answers

2015-06-07T22:59:42+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Sa simpleng pananlita, ang pre history ay ang panahon na tinutukoy ng kasaysayan ngunit walang nakatalang mga kasulatan. Naiiba ang pag-tukoy sa panahon ng prehistory sa ibat-ibang bahagi ng mundo, dahil nakadepende ito sa point of reference kung saan unang natagpuan ang mga nakatalang kasaysayan.
Saan nakukuha ng mga arkeologo at mga historian ang mga kwentong hindi nakasaad sa nakasulat na kasysayan? Maraming paraan.
Una, ay ang paghuhukay sa mga ruins na kung saan nakakatagpo ang mga arkeologo ng mga artifacts na maari nilang gamitan ng time-dating para matukoy ang panahon nito. Dahil din dito, ay maari nilang makita ang mga kagamitang ginamit, at ibase ang mga kagamitang ito sa mga iba pang data.
Halimbawa, may hinukay na ruin ng isang sinaunang siyudad sa Mesopotamia, maaring makita rito ang mga paso, mga lumang barya, or mga pananamit. At dahil dito, makakakuha ng ideya ang mga historian, kung anong panahon nagamit ang mga ito, at ano ang ngyari sa kanila.
Ikalawa, ay ang pag-aaral ng ibang kasaysayan. Maraming kasaysayan sa pre-history ang makikita sa ibang kasaysayan ng mga sibilisasyon. Dito maaring pag-aralan ang mga inventory,  mga kwentong panggyiyera, mga kagamitang nabarter, at iba pa.

Sa madaling salita, ang pagtukoy ng kaibahan ng history sa prehistory ay ang point of referecnce ng isang kasaysyan sa mga nakasulat na tala.
0