Answers

2015-06-07T22:21:40+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Maraming paraan para mailarawang ang heograpiya ng daigdig.

Isa sa mga ito ay ang pagtingin sa mga mapang ginagamit natin sa pangkasalukuyan. Hindi man ito popular sa ating kaalaman, ang mga mapa na ating ginagamit ay pangkalakal (or Mercator Map). Ito ay isang kapuna-punang paraan ng pagtingin sa heograpiya ng mundo dahil ito ay Euro-centric, o mas pinapaboran ang kontinenteng Europa dahil dito umusbong ang paggamit ng nasabing mapa.

Dahil dito, napalaki ang projeksyon ng Europa kung ikukumpara sa ibang mga bahagi ng daigdig. Ito ay nagdulot ng mga maling kuru-kuro tungkol sa sukat ng mga kontinente. 

Di tulad ng sa Mercator, ang tunay na sukat ng mga lugar tulad ng Alaska (Na dapat ay mas maliit), Greenland (na dapat ay mas maliit sa Africa dahil magkakasya ang 14 na Greenland sa buong kontinente ng Africa), Timog Amerika (na dapat ay mas malaki), at Antarctica (na dapat ay mas dambuhala) ay na-didistort ang tunay na sukat.

Dahil dito, ang nakasanayan nating paningin ng mundo ay iba sa tunay nitong sukat. 

Ikalawa, maari mong tignan ang heograpiya ng daigdig sa cultural at economic na aspeto. Halimbawa, ang mga Asianong bansa ay maraming pagkakatulad sa paniniwala, kultura at sistema. Dahil ito sa impluwensyang naidudulot ng bawat isa. Mula pa noong unang panahon, kung saan ang mga Asyano ay linilbot ang daigdig sa pakikipagkalakal, ay nagkakaroon na ng pagsasalin ng kultura. Dahil dito, makikita mo ang kaibahan ng bawat lahit ayon sa heograpikal na mga aspeto nito. Kasama na dito ang mga wika.

Ito lamang ang marami sa mga iba'tibang paraan ng paglalarawan sa heograpiya ng daigdig.

0