Answers

2015-06-08T12:19:29+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang Fertile Crescent ay isang rehiyon na basa at mabunga na matatagpuan sa mga bansang Iraq, Kuwait, Syria, Lebanon, Jordan, Israel, Palestine, Cyprus, at Ehipto. 
Naging mahalaga ang nsabing rehiyon sapagkat ito ay ang naging kanlungan ng siblisasyon. Dito nagsimula ang mga unang kaharian sa mundo. 
Pero marahil ang pinakamahalagang kontribusyon ng Fertile Crescent ay ang pagkaka-diskubre ng agrikultura.
Bago ang Agricultural revolution, ang mga sinaunang tao ay namumuhay sa paraang nomadic. Ibig sabihin ay nagpapalipatlipat sila ng tirahan depende sa supply ng pagkain. Ngunit dahil sa Fertile crescent, nagdiskubre ng tao ang agrikultura.
Dahil dito, nag-settle ang mga tao sa isang lugar lamang, kadalasan sa tabi ng mga ilog. (Ang fertile crescent ay napaplibutan ng mga ilog tulad ng Tigris ang Euprates, at Nile). Dahil dito, natuto ang mga tao na mananim at baguhin ang lupa ayon sa kanilang pangangailangan. 
Nang maging ganap ang pagkakadiskubre ng agrikultura, nagkaroon ng masaganang supply ng pagkain ang mga komunidad. At dahil sa surplus na ito, nabuksan ang mga pintuan ng sibilisasyon sa mga artisan. Kumaunti ang pangangailangan ng manpower sa pagtatanim, at nagkaroon ng pagkakataon ang mga artisan na mag-imbento ng mga kagamitan tulad ng gulong at patubig. Sila rin ang nagsimula ng pagsusulat, pananalapi, pangangalakal, siyensya at relihiyon.
Masasabi natin na ang Fertile Crescent ay ang naging daan upang magsimula ang sibilisasyon, at kung wala ito, marahila ay mga nomad parin tayo.
6 3 6