Answers

2015-06-08T21:38:16+08:00
Gustong iligaw ni adrian ang kanyang uugod-ugud nang ama sa loob ng kagubatan dahil pagod na siya sa pag-aalaga dito at di na niya naasikaso ang sarili niyang buhay. Pumasok si Adrian sa loob ng gubat habang pasan ang kanyang ama. Habang sila'y tumitigil at nagpapahinga, napansin niyang nagpuputol ng maliliit na sanga ang kanyang ama. Nang ito ay kanyang tanungin, sumagot ito ng ~Alam kong gusto mo akong iligaw dito sa gubat. Ang mga sangang pinutol ko ay magsisilbing gabay mo pabalik para hindi ka maligaw~ . Naiyak nalang si Adrian at hindi namalayang umalis na siya ng gubat kasama ang kanyang ama.
0