Answers

2015-06-09T19:16:17+08:00
English poet,playwright, actor,greatest writer in English Language
0
2015-06-09T19:27:51+08:00
Si William Shakespeare ay pinanganak nuong Abril 26, 1564 at namatay nuong Abril 23, 1616. Siya ay isang tagapag-tula at manunulat ng mga dula. Kinikilala siya bilang ang pinakamagaling na manunulat sa wikang Ingles at ang pinakamagaling na manunulat ng dula. Ang kaniyang natitirang mga naisulat ay binubuo ng 38 na dula, 154 na mahabang tula (o sonnet), 2 naratibong tula at iilan pang tula. Ang kanyang mga dula ay naisalang na sa iilang wika at ipinamamahagi sa ibat ibang bansa sa buong daigdig.Si William Shakespeare ay pinanganak sa Strata-upon-Avon. Sa edad na 18, pinangasawa niya si Anne Hathaway (hindi ang artista sa Love and other Drugs), kung kanino siya naging tatay ng tatlong anak- si Susanna at magkambal na si Hamnet at Judith. Sa pagitan ng taong 1585 at 1592, siya ay naghanap buhay bilang artista sa mga dula, tagasulat ng dula at bilang ari ng companying pandula, Lord Chamberlain’s Men, na naging King’s Men. Naghinto siya ng trabaho nuong 1613 sa Stratford, bago siya namatay.Karamihan ng mga sulat ni Shakespeare ay ginawa nuong 1589-1613. Ang kaniyang sinaunang dula ay mga komediya at trahediya, dalawang uri ng dula na pinasikat ni Shakespeare. Nuong 1623, inilathala ng dalawang katrabaho ni Shakepeare ang First Folio kung saan mahaanap ang mga sinaunang dula ni Shakespeare. Sikat at respetado si Shakespeare bilang tagapagsulat ngunit tumaas pa ang lebel ng kasikatan niya pagdating ng 19th century. Pinuri ng mga Romantic at Victorians ang kagaling ni Shakespeare. Sa kasalukuyan, ang mga dula ni Shakespeare ilang beses nang ginawang sine o dula na may kakaibang interpretasyon. Samakatwid, si Shakespeare at ang kanyang mga naisulat ay kilala sa kabila ng pagpapalit ng generasyon.
0