Answers

2015-06-21T14:43:54+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga kabataan kung saan natututo sila ng pormal na edukasyon mula sa mga propesyunal na mga magtuturo. Layunin nitong gawing hubugin at turuan ang mga kabataan sa mga gawaing sosyal, politikal, moral, personal at maging sa pangkabuhayan. Ang paaralan ay maaaring isa sa mga magiging dahilan ng pag-unlad at paglago ng antas ng pamumuhay ng mamamayan. Sa kasalukuyan, maraming mga programa ang isinasagawa upang mas mapaunlad ang antas ng edukasyon sa lipunan kagaya ng K-12. 

Ang simbahan ay siyang naatasang magpalawak sa mga gawain at batas ng Diyos. Layunin nitong  hubugin  at palakasin ang ispiritwal na paniniwala at pananampalataya ng mga tao. Maaaring ito ang maging daan upang mas mamulat ang mga tao lalo na ang kabataan sa aspetong moral ng buhay. Sa kasalukuyan, ang simbahan ay napaka-aktibong isulong ang kanilang paniniwala lalo na sa pagiging pro-life nito. 

Ang pamilya ay ang pinakamaliit na antas ng lipunan na siyang unang tahanan at kung saan unang natuto ang ating kabataan. Layunin nitong turuan ng magagandang asal at pakikitungo sa kapwa ang mga bata at ang lahat ng miyembro ng pamilya nito. Makikitang nagsisimula sa problemang pampamilya ang lahat ng krimeng nababalitaan sa lipunan ngayon kaya't masasabi natin na malaki ang naging kakulangan ng sektor ng pamilya upang hubugin ang mga kabataan. Sa kasalukuyan, patuloy ang bawat pamilya sa pagbibigay-aral sa ting mga kabataan upang mas mamulat ito sa tunay na kaulugan ng buhay.

Ang mga negosyo ay ang iba't ibang uri ng kalakalang nagaganap sa bansa na maaaring pinamunuan ng isang tao o ng kompanya. Ito ay naglalayung palaguin hindi lang ang personal na aspeto ng mga may-ari kundi pati na rin ang ekonomiya ng bansa. Makikita ang maaaring paglago ng mga negosyong nasa bansa sa susunod pang mga taon. Sa kasalukuyan, maganda ang takbo ng negosyo ng bansa na makikita sa estado ng ibinabayad nitong buwis. 

Ang pamahalaan ay ang tagagawa at tagapagpatupad ng mga programa at batas para sa ikabubuti ng lipunan at ng bawat mamamayan. Layunin nitong bigyan ng sapat na pagkakataon ang bawat pamilya upang umunlad at panatilihin ang kaayusan sa bansa. Makikitang marami ang naging pagkukulang ng pamahalaan sa lipunan base na rin sa mga problema at batikos na patuloy na dinaranas ng mga Pilipino. Maaaring mas lalo pang gumulo ang lahat kapag hindi naagapan ang ganitong kalagayan ngayon. 
22 4 22