Answers

2014-06-12T08:11:21+08:00
Ang matututuhan sa pag-aaral ng ekonomiks ay ang tamang pagdedesisyon sa tamang sitwasyon. Malalaman mo din ang kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa ating kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya. 
Malilinang ang ating mga kaisipan ukol sa pang-araw araw na nagaganap sa buhay at kung paano naapektuhan ang pamumuhay at mga pangyayari sa ating lipunan. 
Ipinapaliwanag din sa ekonomiks ang mga kaisipang pangkabuhayan , pampulitika at pangmoralidad na makatutulong sa paglinang ng wastong asal, gawi at kilos natin sa lipunan.
10 4 10