Answers

2015-06-30T00:16:09+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang pandiwa ay maaaring gamitin bilang aksyon, karanasan at pangyayari.
Ginagamit ito bilang aksyon kapag may tagaganap o aktor ng kilos.
 Malinaw itong nakikita sa pamamagitan ng panlaping magma, mang, maki at marami pang iba. 
Halimbawa:
-Kumain si Nene ng mainit na puto.  
-Nagluto ng hapunan si Nanay.
-Naglaba ng maruruming damit si Ate.
-Nag-igib ng tubig si bunso.
-Nagmasid ng laro si Kuya.

Ang pandiwa bilang karanasan naman ay kadalasang naipapahayag kapag may damdamin ang pangungusap at may tagaramdam ng emosyon o damdamin na nakapaloob sa pangungusap.
Halimbawa:
-Umiyak si Ana ng dahil sa pagkamatay ng alaga.
-Nagalit si Helen dahil nawala ang kanyang pera.
-Natuwa si Nene sa regalong natanggap.
-Nalungkot siya sa pagkawala ni Mingkay.
-Nairita siya sa paulit-ulit na palabas.

Ang pandiwa naman bilang pangyayari ay nasasalamin sa aksyong naganap bunga ng isang pangyayari. 
Halimbawa:  
-Nahulog siya sa kahoy dahil sa lindol.
-Nalunod siya dahil sa bilis ng agos ng tubig.
-Umakyat siya sa bubong dahil sa taas ng tubig-baha.
-Umakyat siya sa stage noong graduation nito.
-Tumulong siya sa mga nasalanta ng bagyo. 
16 4 16