Answers

2015-07-09T13:38:43+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Tingnan ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao sa ibaba.

Panahon ng Bato

-
Panahon ng Lumang Bato o Paleolitiko Pagala – gala sa paghahanap ng pagkain at walang permanenteng tirahan at sa yungib tumitira labanan ang  lamig ng panahon.Pangangaso at pangingisda ang ikinabubuhay ng mga tao, gamit ang kanilang mga kamay.Gumagamit sila ng tapyas ng bato bilang sandata at kasangkapan sa pangangaso at pangingisda.Natuklasan ang paggamit ng apoy bilang pampainit ng katawan, panakot sa mababangis na hayop at panluto ng pagkain.Mga hayop na kinakain ang tema ng mga pinipinta gayundin ang mga bago sa kalikasan. Gumamit ng matulis na bato at kulay sa pagpipinta.Nagsimula angrelihiyon at pagsambasa inaakalang higit namakapangyarihan sakanila.Panahong Mesolitiko
Dahil sa tagtuyot, nagsimulang mag-alaga ng hayop ang taoDito Natuto silang gumawa at gumamit ng mga kasangkapang kahoy tulad ng palakol, adze at gouge.Natuto din silang gumawa ng mga sandata gamit ang maliliit na bato tulad ng busogNaimbento nila ang kauna-unahang sasakyan - ang sleigh o paragos, Nagsimulang manirahan ang tao sa maliliit na pangkat ng tao dahil sa paniniwalang mayroon silang ugnayan sa dugo.Panahon ng Bagong Bato o Neolitiko
Nagsimulang magtanim at magsaka ang tao at nagkaroon ng permanenteng tirahan ang mga ito.Natutong gumawa ng palayok at bricksNatutong magpakinis ng magagaspang na mga batoNatutong gumamit ng kabayo, baka at asno bilang tagahila ngparagos at sleigh.Nagsimula ang sistemang barter o pagpapalitan ng produkto ng mga pangakat ng tao
Ginagamit ang cacao bilang pambayad o pamalit sa palengke sa Mesopotamia 
Panahon ng Metal

Panahon ng Tanso
Ang tanso ang kauna- unahang uri ng metal na natuklasan ng tao.Higit na mas matigas ang tanso kaysa sa ginto at mahuhulma ito sa iba’ tibang hugis Nalinang na mabuti angpaggawa at pagpapandayng mga kagamitang gawasa tansoAng tanso ay unang ginamit sa mga lugar ng Asia, Europe atEgyptPanahon ng Bronse
Ito ay  pinaghalong tanso at tin (lata) at mas matigas sa tansoGinamit bilang armas:espada, palakol, kutsilyo,punyal, martilyo, pana atsibatNatutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pookUmusbong ang mga bayan at lungsod bunsod ng pag-unlad ng mga palengke at kalakalan.Nagkaroon ng mga tagasuri sakalidad ng mgaproduktong nagagawa ng mga kasapi.Panahon ng Bakal
Natuklasan ng mga Hittites ang pagtunaw at pagpapanday ng bakal at lumaganap sa Africa, Asia at EgyptNapadali ang produksyon ng tao dahil sa mga makinang gawa sa bakal.Ang paggamit ng bakal ang naghatid sa kabihasnan mula sa sinaunang , gitna hanggang sa modernong panahon.
11 4 11