Answers

2015-07-09T15:12:16+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
1. Ang paggamit ng apoy sa kasalukuyan ay napakahalaga pa rin sapagkat ito pa rin ang ginagamit sa pagluluto ng karamihan kahit may mga tao ng natutong kumain ng pagkain na hindi na niluluto.

2. Ang pagsasaka sa kasalukuyan ay lalong mas pinag-igi at pinahahalagahan lalo na't lagi tayong kulang sa supply ng bigas at iba pang produktong pang-agrikultural.

3. Ang pag-iimbak ng labis na pagkain ay kailangan sa panahon ngayon na bigla-biglang nagbabago ang panahon. Ang iniimbak na pagkain ay maaaring maging pantustos mo sa loob ng mga araw na walang paninda lalo na pag may mga bagyo o kalamidad.

4. Ang paggamit ng mga pinatulis na bato ay hindi na gaanong ginagawa ngayon sapagkat mayroon ng mga kasangkapang yari sa metal. Sa kasalukuyan, ang mga pinakinis na bato ay nagsisilbing dekorasyon na lamang o parte ng kasaysayan.

5. Ang paggamit ng kasangkapang metal ay mas lalong importante sa panahon ngayon sapagkat kadalasan sa mga kasangkapan ay yari na sa metal maging pangkusina o pang-industriyal man.

6. Ang pagpapatayo ng permanenteng tirahan ay isang malaking pagsubok ngayon hindi dahil ayaw pumirme ng mga tao kundi dahil wala na halos espasyo na maaaring ang pagtayuan ng bahay sa bilis ng pagdami ng populasyon.

7. Ang pag-aalaga ng hayop sa kasalukuyan ay isa pa ring mabenta at maaasahang hanapbuhay lalo na sa mga probinsiya. 
36 4 36
thank u nakatulong sa homework ko yung aswer mo maraming salamat po
guys ano sa pagtatayo ng nga pernamenteng tirahan noon ??
hmm .. thanks guys... for wonderful answers...
thank you very much .....helps a lot
very thank you