Answers

2014-06-16T21:13:20+08:00
Ang Alamat ng Thailand by Dan GaffudAbril 30, 2014 sa ganap na 9:02 AMPaghupa ng malaking baha na nagpalubog sa sangkalupaan ay isa isang nagsilitawan ang mga lupa at mga bansa. Samantala, sa arko ni Noah, saktong umaga at kagigising lang ng isa sa kanyang mga anak habang si Noah ay mahimbing pa sa pagkakatulog. Pagkabangon ng kanyang anak, agad itong sumilip sa bintana ng kanilang arko at kanyang namalas ang ilang linggo na din nilang hindi nakikita, ang lupa. Tuwang tuwa ang anak ni Noah. Napanatag ang loob nya dahil ligtas na sila. At sya ay napasigaw at napatawag sa kanyang natutulog pang ama, "Tay, land! Tay, land!"
12 3 12