Answers

2015-07-19T09:58:54+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
            Mahalaga ang mga artifacts sa kasalukuyang panahon dahil ito ay nagbibigay impormasyon tungkol sa sinaunang kabihasnan, sa kung paano umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang tao, paano sila ngkaroon ng mga kasangkapan na ginagamit nila upang mamuhay na ligtas. Ito ay malaking ambag sa kasaysayan ng mundo at nagsisilbing rekord tungkol sa sinaunang panahon. Tulad na lng ng mga sumusunod:
      Ang mural painting sa Catal Huyuk ay nagsisilbing rekord ng mga naging tunggalian at pakikipaglaban ng mga sinaunang tao sa mga hayop upang manatili sa iisang lugar at maging sa kabuhayan nila.  Kadalasan sa mga ito ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at ng mga hayop. Ang mga hayop na nasa mga painting ay baka, kabayo, usa, baboy-ramo.
           Ang ceremonial flint dagger ay isang uri ng kutsilyo na hindi ginagamit sa digmaan dahil ginagamit ito sa mga mahahalagang seremonyas at ritwal noong mga sinaunang panahon. Ito ay yari flint, ivory o buto.
         Obsidian arrowhead ay nilikha mula sa pinalamig na lava at tumigas. Ito ay may katangian katulad ng isang kristal o babasaging bato.


 





3 5 3