Answers

2015-07-14T21:17:41+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Si Sitti Nurhaliza ay kilala bilang isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya na namula sa bansang Malaysia.Sa murang edad na labing-anim na taong gulang ay nagsimula siyang pumasok sa larangan ng pag- awit at dahil sa likas na talento sa pag-awit, narating niya ang rurok ng tagumpay bilang multiple-platinum selling artists sa Malaysia. Hindi lamang isang mang-aawit si Sitti dahil isa rin siyang manunulat ng awit, record producer, presenter o modelo at mangangalakal.  Mayroon din siyang sariling production company, ang Sitti Nurhaliza Production at itinuturing  na isa sa pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang artista sa Malaysia.. Sa kabila kasikatan at kayamanan ay hindi nakalimutang tumulong sa mga nangangailangan ni Sitti. Nakikibahagi at nakikiisa siya sa maraming gawaing-kawanggawa sa loob at labas ng Malaysia. Ito ay isa sa maganda niyang katangian. 

6 4 6