Answers

2015-07-13T10:42:33+08:00

This Is a Certified Answer

Ă—
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Bagamat naging mabilis ang pagsulong ng teknolohiya sa nakaraang sampung taon, hindi pa rin nababawasan ang kahalagahan ng pagsasaka sa ating lipunan. Naririto ang ilang kahalagahan ng pagsasaka:

1. Pinagkukunan ng kabuhayan

Malaking bahagi ng kalupaan sa Pilipinas ay nakalaan pa rin sa pagsasaka. At bagamat hindi direktang nakaapekto sa pangkabuhayan ng karaniwang Pilipino ang pagsasaka, mayroon pa rin itong epekto sa marami. Dahil sa pagsasaka, nabibigyan ng trabaho ang mga Pilipino sa pagmamaneho, paggawa ng daan, pagtitinda, pag-iinventory, at marami pang iba.

2. Kontribusyon sa Pambasang Kita

Sa pambansang scale, nakatutulong ang pagsasaka sa lipunan dahil nagagawa nitong punan ang isa sa pinakamalalaking demand sa mundo: ang pagkain. Hindi mawawalan ng demand para sa pagkain, at dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipinong magsasaka na makatulong sa paglago ng ekonomiya.

3. Tulong sa International Trade
Ang Pilipinas ay isa sa pinakamalalaking eksporter ng bigas, mais, saging, at tobacco sa mundo. Dahil sa mga pageeksport na ito ay nakakapag-pasok tayo ng dolyar sa bansa, na siya namang ginagamit natin upang makipagkalakal sa mga iba't ibang bansa sa mundo. Dahil dito, nagkakaroon ng mas mataas na tiwala ang mga investors na mag-impok at gumawa ng negosyo sa bansa.

Ilan lamang ito sa maraming tulong na naidudulot ng pagsasaka sa ating pangkasalukuyang lipunan 
28 4 28