Answers

2015-07-21T08:37:41+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Malaki ang epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan sapagkat ito ang isa sa mga pangunahing isinaalang-alang ng mga sinaunang tao sa pagpili ng lugar na permanenteng tirhan at lugar kung saan lilinangin ang kapaligiran at mga likas na yaman nito. Ang pisikal na katangian ng lugar ang pangunahing dahilan kung kaya't mayroong mga pamayanan na umuusbong sa mga piling lugar sa mundo. Ang uri ng klima, mga likas na yaman, anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan ay ilan lamang sa mga salik na isinaalang-alang ng mga sinaunang tao sa pagpili ng lugar na paglalagian.
0