Answers

2015-07-24T10:00:06+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang mga Tajik ay isa sa mga sinaunang tao sa daigdig. Ayon sa mga pag-aaral sila ay nakatira sa hilagang bahagi ng Asya, partikular sa Tajikistan noong mga huling bahagi ng Panahon ng Lumang bato. Sila ay nakatira sa mga bundok na nababalot ng yelo sa loob ng anim na buwan. Ang mga yelo sa mga bundok dito ay humaharang sa mga daanan. Sa matabang lambak na malapit sa ilog, naninirahan ang mga Tajik kung saan ang panahon ng tag – araw ay mahaba at mainit. Pagsasaka at pagpapastol ang kanilang ikinabubuhay. Nagtatanim sila ng bulak, butil, gulay, oliba, igos at citrus. Matibay ang samahan ng kani – kanilang pamilya at nakaugalian na ang lahat ng kasapi ng pamilya mula sa pinakaninuno hanggang sa pinakabata ay sama – samang naninirahan sa isang tahanan. Isa pang katangian nila na nag – ugat pa sa kanilang mga ninuno ay ang pagiging maasikaso nila sa kanilang mga panauhin. Karaniwang makakapal ang kanilang kasuotan. Ang mga babae ay karaniwang nagsusuot ng makukulay at mahahabang kasuotan at nagsusuot ng balabal upang maprotektahan sa laban sa sobrang lamig. Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng makakapal na sombrero at scarf na nakatali sa kanilang baywang na tinatawag na rumol.Ang mga inukit na bato at kahoy ay makikita sa mga tahanan at maging sa mga monument at mosque sa kanilang lugar. Masasalaming ang yaman ng kultura Tajikistan sa mga makukulay na tela na karaniwang hinahabi at nilalagyan ng iba’t ibang mga disenyo. May mga karpet na nakasabit din sa mga dingding nagpapakita ng kanilang kahusayan sa pagbuburda.
15 4 15