Answers

2015-07-22T21:56:41+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo nito, maliban lamang sa mabuhangin o tigang na lupa sa Mongolia. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at ito’y pinagtataniman ng iba’t ibang uri ng pananim. Pangunahing pananim nito ang palay, at siyang nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo. Ang ilang mga bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at paghahayupan. Sa China at sa ibang mga bansa ng rehiyon, ang malalaking hayop ay ginagamit din bilang katulong sa paghahanapbuhay. Ang mga anyong tubig ay nililinang din para sa kapakinabangan ng mga nakatira rito.


2 5 2