Answers

2015-07-24T09:03:36+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang lipunang ekonomiya ay ang prinsipyo na nakapokus sa pagsisikap na pangasiwaan ang limitadong likas na yaman ng isang lugar batay sa pangunahing mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan. Ang estado ang siyang naatasang gumawa ng paraan upang kahit papaano ay maging pantay-pantay o magkalapit man lang ang agwat ng pamumuhay ng mga tao sa lipunang ginagalawan. Maaaring gumawa o lumikha ng mga pangkabuhayang programa ang pamahalaan upang ibigay sa mamamayan upang magkaroon sila ng sariling kabuhayan. Ang pagsisikap ng estado ay kailangan ding pantayan ng mga tao sa lipunan upang hindi masayang ang oras at pondo ng bansa. Magiging maganda ang takbo ng buhay ng mga tao sa lipunang ekonomiya kapag nagsisikap at sama-sama sila sa kanilang mga gawain.
34 4 34