Answers

2015-07-24T12:09:18+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Mayroong dalawang uri ng sanaysay, ang pormal at di-pormal. Ang pormal na sanaysay na tinatawag ding baguhan o impersonal. Ito ay hitik sa impormasyon at nagbibigay ng kaalaman sa pamamagitan ng maka-agham at lohikal na pagsasaayos ng mga ideya para mabuo ang paksang tinatalakay. Maanyo ito at talagang dumaan sa masusing pag-aaral at pananaliksik. Mapitagan ang tono ng sanaysay na ito at gumagamit ng ikatlong panauhan, samantalang obhektibo naman ang pananaw. Seryoso ang tono, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro ang pagkakabuo ng sanaysay na pormal. Samantalang ang di-pormal naman ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitanng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Kabaligtaran ito ng pormal na sanaysay. Subhektibo din ang pananaw nito at may palakaibigan tono. Gumagamit ito ng unang panauhan sa pagsasalaysay.
3 3 3