Answers

2015-07-29T12:47:51+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang kwento tungkol sa butil ng kape ay may iba't ibang mensahe batay sa paraan kung paano hinaharap ng tao ang mga pagsubok sa buhay na sinisimbolo ng tatlong mga bagay, ang carrot, ang itlog at ang butil ng kape. Katulad ng carrot na may matigas na panlabas na anyo na kapag inilagay sa kumukulong tubig ay lumalambot hanggang sa sumama na sa tubig. Ito ay maihahalintulad sa isang tao na mukhang malakas o matigas tingna sa una ngunit kapag sinubok ng mga problema ay lumalambot at sumusuko dahil nawalan na ng tigas. Ang itlog naman na nababalot ng puti at may malambot na nakapaloob kapag inilagay sa tubig ay nagiging matigas ang laman nito. Parang tao, sa simula ay maprinsipyo at may mabuting paniniwala ngunit kapag marami na ang mga problema ay unti-unting bumibitiw sa magandang asal at nagiging matigas at masamang tao. Ang butil ng kape ay kakaiba, kapag inilagay sa mainit na tubig ay natutunaw at nag-iibang anyo na may lasa at kapaki-pakinabang sa ibang paraan. Parang ito yung taong kapag sinubok ay mas pinipiling magpadala sa agos at piliting mas maging mabuting nilalang pagkatapos ng mga pagsubok, may bago at magandang mga natutunan sa mga karanasan.
5 3 5
Anu po ba ang Akda ng Mensahe ng Butil na Kape