Answers

2015-07-29T16:52:59+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang di pormal na sanaysay ay isang sanaysay na may palakaibigan na tono at gumagamit ng pansariling opinyon. Tingnan ang halimbawa ng di -pormal na sanaysay sa ibaba.

                                IKAW? SAAN KA PATUNGO
                                      ni Nicole Beatriz Obillo

“Ikaw? Saan ka Patungo?” Ang buhay natin ay parang hagdan na dalawa lamang ang patutunguhan unapaitaas at pangalawa pababa. Sa taas kung saan makikita natin ang liwanag na atinggustong abutin kung saan naroroon ang kasayahan at kaginhawaan at sa baba namankung saan naroroon ang kadiliman na sigurado akong lahat ng tao ay ayaw maranasanang kahirapan at kalungkutan. Sa buhay ng tao ay walang sinuman na nakaranas ng puro kaginhawaan atkasayahan. Bago mo ito makamit ay kailangan mo muna dumaan sa kahirapan bagomo maabot ang iyong gusto. Ikaw? Subukan mo kaya umakyat sa hagdan na ito, diba nakakapagod? Peropagdating mo naman sa itaas ay mapupuntahan mo na ang gustong mong puntahan.Subukan mo rin humakbang pababa diba madali lang? Minsan nga ay nagrereklamopa na sana ang hagdan ay laging pababa para hindi ka mapapagod kung ito’y paakyat.Iyon din ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo? ‘Yung palagi ka nalang bababa?Paano uunlad at giginhawa ang buhay mo kung kapagoran at katamaran ang lagi monginiisip? Sa tingin mo maaabot mo ang iyong gusto kung hindi mo ito paghihirapan? Lahat ng bagay dito sa mundo ay hindi mo basta-basta nakukuha kailangan momag-aral, magtrabaho, magtiis sa iyong boss para ika’y bigyan ng sahod at mabibili mo na ang iyong gusto.Ganyan ang buhay ng tao, mahirap man sa una pero masasanay karin. Kung habang estudyante ka pa eh tinatamad ka na, eh aba! Hindi naman salahat ng panahon ay kasama mo ang iyong mga magulang. Matuto kang magsumikapat pilitin mong ‘wag umasa sa iyong mga magulang. Baka mapariwara pa ang buhaymo kapag sila’y biglang nawala sa iyong tabi. Kung gusto mo rin naman sirain ang iyong buhay at sa tingin mong wala na itongsilbi kaya’t ikaw ay pababa nang pababa ang iyong hakbang. Iniisip mo ba kung anongbuhay ang naghihintay sa iyo sa ibaba? Kung saan naroon ang kadiliman at pighati?Hindi mo ba naisip na hindi pinahiram ng Diyos sa iyo ang iyong buhay para lamangsirain mo ito? Kung nanalig ka lang sakanya at pinagkatiwalaan mo siya ay hindi kamagkakaganyan. Hindi naman masyadong mahirap ang humakbang paitaas kailangan mo lang ngkonting pasensya at labanan ang mga nakakapagpahina ng loob mo, dahil kapagnakamit mo na ang gusto mo ay wala ka nang mahihiling pa at tiyak na walang tigil angpasasalamat mo sa Panginoon na hindi ka niya pinabayaan habang tinatahak mo angiyong landas pataas. Kung ako ang tatanungin, syempre gusto ko pataas ang aking patutunguhandahil gusto kong makamit ang aking ambisyon at gusto sa buhay. Hindi na bale kungmahirapan man ako basta’t ikakasaya ko at ng pamilya ko. Ikaw? Saan ka patungo?
4 4 4