Answers

2015-08-03T22:43:17+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
           Pangunahing sagabal sa proseso ng kuminikasyon angpagkakaroon ng suliranin sa wika. Wika ang nagsisilbing midyumupang maihatid ang mensahe sa kapwa. Ito rin ang nagsisilbingmidyum upang maintindihan ng nakikinig ang mensaheng nais naipaabot sa kanya. Bagamat may mga komunikasyong di-berbal okaya¶y di ginagamitan ng wika, pangunahin pa rin ang paggamit ngwika at ang hindi ganap na pagkaunawa o pagkakaalam sa paggamitnito ay nagsisilbing hadlang upang hindi magkaroon ng MabisangKomunikasyon.

          Napakasalimuot at napakakomplikado ng komunikasyon,napakaraming dapat isaalang-alang nang sa gayon ay magingmatagumpay sa larang ito. Nakalikha ang sosyolinggwistang si DellHymes ng modelo na maaaring isaalang-alang sa pag-aanalisa ngmga diskurso sa loob ng bawat komunikasyon. Ito ay tinawag niyang SPEA KING M odel .

S - Setting and Scene (Saan nag-uusap)
P - Participants (Sino ang nag-uusap)
E- Ends (Ano ang layunin ng pag-uusap)
A - Act Sequence (Paano dumadaloy ang usapan?)
K -Keys (Kabuuang tono o kaanyuhan ng Pagsasalita)
I- Instrumentalities (Anyo at istilo ng pananalita)
N- Norm (Pinakaangkop o pinakakatanggap-tanggap na kilos o gawi sa  paksang pinag-uusapan
G  -Genre (Uri ng Pagpapahayag)



0