Answers

2015-08-03T12:29:49+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon  at Ehersisyo : Sanaysay

Ang kalusugan sa panahon kung kailan abala ang lahat sa paghahanapbuhay ay madalas na nakakalimutan at nakakaligtaan. Hindi na nabibigyang pansin ang pansariling kalusugan dahil masyadong abala ang karamihan. Karaniwan itong nagreresulta sa pagkakasakit ng mga mamamayan sapagkat ang tamang nutrisyon at ehersisyo ay hindi na nabibigyang pansin ng mga tao lalung-lalo na ng kabataan

Dapat natin itanim sa isip ng ating kabataan ang kahalagahan ng wastong timbang upang maiwasan ang pagkakasakit. Magagawa lamang ito kapag nakukuha mo ang tamang nutrisyon kapares ng madalas na ehersisyo sapagkat mas madaling makuha ang tamang timbang  kapag pinagsabay na ang nutrisyon at ehersisyo. Ang pagkakaroon  ng wastong timbang ay higit pa sa kayamanan sapagkat ang tamang kalusugan ang nag-iisang yaman na hindi maaagaw at madali lamang makakamtan. 
0