Answers

2015-08-08T14:25:35+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
          Ang Mesopotamia (mula sa salitang Griyego na nangangahulugang ‘sa pagitan ng dalawang ilog’) ay sinaunang rehiyon sa silangang Mediterranean, sa hilagang-silangan nito ay ang Bundok ng Zagros at sa timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia, sa kasalukuyan ang kalakhang bahagi nito ay ang Iraq samantalang ang ilang bahagi naman ay ang Iran, Syria, at Turkey. Ang ‘dalawang ilog’ na tinutuloy ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang ‘Al-Jazirah’ (ang isla) ayon sa Egyptologist na si J.H. Breasted na sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent kung saan nagmula ang sibilisasyon ng Mesopotamia. Mayaman sa panitikan ang Mesopotamia. Ang kanilang panitikan ay tunay na kasasalaminan ng kanilang angking kultura. Makikilala sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga ito ang kanilang mga paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay, ugali, at iba pa na mapagkikilanlan ng kanilang lahi.    Ang epiko ni Gilgamesh ay isa sa mga panitikang Mediterranean at isang akda na nagpapakita sa kultura ng taga-Mesopotamia.  Ang pangunahing tauhan dito ay abusado sa kanyang taglay na supernatural na kapangyarihan dahilan ng pagparusa sa kanila ng kanyang kaibigang may katumas sa kanya ang katangian.


3 2 3