Answers

2015-08-08T10:54:16+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang ngalops ay isa sa tatlong pangkat-etniko ng mga mamamayan sa Bhutan na pinaniniwalaang bumubuo sa pinakamalaking bahagdan ng populasyon ng Bhutan. Mas kilala ang mga ngalops sa tawag na Bhote o mga mamamayan sa Bhotia/Bhutia o Tibet. Sila ang nagdala at nagbigay impluwensiya ng kulturang Tibetan at Buddhismo na umiiral pa rin sa bansa hanggang ngayon. Sila ay karaniwang nag-aalaga ng hayop tulad ng baka at nagtatanim ng mga palay, patatas at barley. Nagtatayo din sila ng malalaking dzongs o mga templo. Ang mga kalalakihan ay nagsusuot pa rin ng tradisyunal na kasuotan gaya ng Gho, hanggang tuhod na damit na nakatupi sa likod at tinatalian sa baywang ng sinturon na tinatawag na kera. Mayroon din sila scarf o kabney na may iba’t ibang kulay depende sa katatayuan sa lipunan.Sa mga kababaihan naman ay kira o kapirasong tela na hugis rektangular na hanggang sakong ang haba at mayroong sinturon. 
8 3 8