Answers

2015-08-08T06:40:16+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
           Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma.
           Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang Sumerian para sa ‘Gilgamesh’), hari ng Uruk. Mula sa magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko. Ang kauna-unahang buhay na bersyon nito, kilala bilang “Old Babylonian” na bersyon, ay noong ika-18 siglo BC at pinamagatan mula sa kaniyang incipit (unang salita ng manuskrito na ginamit bilang pamagat), Shūtur eli sharrī (“Surpassing All Other Kings”).
Narito ang buod ng epiko. Buksan at basahin ang nakalakip na dokumento.

18 3 18