Answers

2015-08-01T18:21:29+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
                        Ang Alamat Ng Cagayan de Oro           Sa isang isla na kung tawagin ay Cagay-an . May naninirahang mga taong igorot. May Pinuno sila na ang pangalan ay  Kabul. Si Kabul ay marahas  pero matalino, kaya sya ang piniling pinuno ng mga igorot. Hindi naniniwala si Kabul sa  Diyos at mga Bathala, wala syang kina katakotan.  Isang araw lahat ng tribu ng igorot ay nag diriwang ng kapistahan. Lahat ng igorot ay nag sayawan, naghanda at nag alay para sa kanilang Bathala pwera kay Kabul. Gusto ni Kabul na sya lang ang katakotan at sambahin. Nagagalit sya sa tuwing nakikita nyang may nag-aalay sa mga  Bathala. Sa tindi ng selos at galit nya, pinilit nya ang mga igorot na maniwalang walang Bathala o mga Diyos at ito ay kathang isip lamang. Pero hindi naniwala ang mga tao. Nagalit si Kabul at tinawag ang kanyang mga alagad. Binantaan ni Kabul ang mga igorot na kung sinu man ang makita nya na sumasamba o nag aalay sa mga Bathala ay ipapatapon nya sa dagat. Natakot ang lahat pwera ang isang bata na nag ngangalang Yoro.Si Yoro Ang pinakamabait na bata sa isla.Sya na lang mag isang namumuhay nang makain ang kanyang mga magulang  ng pating habang nangingisda. Palihim na sumasamba at umaalay ang batang igorot sa tuwing oras na nang pag samba. Ilang araw ang lumipas, tila nag bago ang lahat ng mga mamamayan sa isla. Wala ng mga gamit na nag sisimbolo ng mga bathala. Wala na ring kasiyahang para sa mga ito. Tanging para kay Kabul lamang inaalay ang mga ipinag diriwang na kasiyahan. Isang araw habang nag diriwang ng kasiyahan ang mga mamamayan,biglang bumagyo ng malakas at kumidlat ng matalim. Lumalaki at lumalakas ang hampas ng mga alon sa isla. Tinamaan ng kidlat ang isang puno ng nyog at nasunog. Natumba ito sa gitna ng isla, sa pag kakahati ng isla nakita ni Kabul ang batang si Yoro na nag dadasal sa kabilang bahagi . Nagalit ito at nagsama ng mga kasamahan upang patayin ang batang igorot. Ngunit sa pagkakatawid palang ng mga masamang igorot ay tinamaan na sila ng kidlat an mistulang nagging abo. Pwera kay Kabul na nagawa pang maka iwas sa kidlat. Palapit na sya sa bata at narinig an dinadasal nito. “ Mahal na bathala, tulungan nyo po kami. Gamitin nyo po ako upang mailigtas ang mga inusenteng kasamahan ko.” Lakas loob na sinabi ng bata. Natawa lang si Kabul at sinigawan ang bata. “Sa liit mong Iyan!? Maliligtas mo ang mga tao dito!? Bata, hindi ka matutulongan ng imahinasyon mo!” sabay kuha ng kanyang palakol para putolin ang ulo ng bata. Ngunit sa pagkaka kuha pa lang nya ay tinamaan na sya agad ng kidlat at mistulang nagging abo din. Unti-unting lumubog ang isla at nagsigawan sa takot ang mga igorot . Sa paglubog ng isla ay napunta ang batang si Yoro sa ilalim ng isla at unti-unting nagging isda. Dahan dahan itong lumaki at mistulang ini aangat ang isla. Tanging mabubuting loob lang ang naiwang buhay sa isla.Samantalang ang batang si Yoro ay habang buhay ng nagging isda.Ngunit kalian man ay hindi sya nag sisi ditto. Kung minsan ay lumalangoy si Yoro dala-dala ang isla, kaya lumilindol.Nabangga sya sa isang kalupaan at hindi na maka alis. Nang magtagal ay nagging Pilipinas na ang kalupaan na ito at si Yoro at ang isla ng Cagay-an ay nagging parte narin ng Pilipinas. Tinawag ang isla na Cagay-an De Yoro. Nang nag tagal ay nagging Cagayan de Oro na ang tawag dito.  


ginawa ko to para sa filipino project namin but im sharing this to you.. i hope na nakatulong ako

1 5 1
Wow thank you sa pag answer nag effort ka pa tthanks ulit makakatulong talaga ito
any time :D