Answers

2015-08-08T22:12:36+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
            Maraming magagandang naidulot sa buhay ng mga taga-Ehipto ang Ilog Nile. . Sinabi ni Herodotus na lahat ng Ehipto ay handog ng Nile. Walang Ehipto kung walang Nile. Ang Ehipto ay umunlad bilang isang lupain sa tulong ng Ilog Nile. Dahil sa Ilog Nile, nagkaroon ng pag-asa ang mga taga-Ehipto na ang kanilang lupain ay magbibigay-buhay. Isa pang mahalagang aspeto ng Ilog Nile. Ang mga paraon sa iba’t ibang kaharian ng sibilisasyong Ehipsyano ay maraming naiambag sa makabagong panahon sa larangan ng pulitika, ekonomiya, arkitektura, at relihiyon. Kabilang na dito ang ang hiroglipiko o paraan ng pagsusulat, pag-eembalsamo ng mga pumanaw, paniniwala sa kabilang-buhay, at ang kahanga-hangang piramide. Ang kabihasnan ng Ehipto ay may malaking bahagi ng kasaysayan ng mundo.
                   Ang Mesopotamia  naman ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar. Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnayugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.  


1 5 1