Answers

2015-08-16T20:14:16+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
        Iba-iba ang pananaw sa pag-unlad. Ang pananaw na ginagamit ang nagiging batayan ng depinisyon ng pag-unlad. Ang pag-unlad ay hindi lamang naglalayon na mapaunlad ang ekonomiya o tumutukoy lamang sa dimensyong pangkabuhayan ng bansa. Bahagi ng proseso ng pag-unlad ay ang pagtaas ng kalidad ng iba pang aspeto ng pagunlad tulad ng pulitikal, sosyo-kultural, pang-tao, spiritual, at ekolohikal. Magkakaugnay ang mga bahagi ng lipunan kung kaya kailangang maging buo ang pagtingin sa pag-unlad. Tao ang sentro ng pag-unlad. Ang tao ang dapat makinabang nito. Ang tunay na pag -unlad ay tumutugon sa pangangailangan ng mga tao at nagtataas ng kalidad ng kanilang buhay.

Isa sa mga pag-unlad ng tao ay ang kaunlarang panlipunan. Ang Kaunlarang Panlipunan o Social Development ay nangangahulugang may pag-unlad kung may katarungan at pagkakapantay-pantay sa oportunidad sa bawat isang kasapi ng lipunan.


0