Answers

2015-08-12T17:42:47+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
                     Filipino : Wika ng Pambansang Kaunlaran
Nakalimutan mo na ba kung paano nakipaglaban ang ating mga bayani upang makamit ang kalayaan? Naaalala mo pa ba kung kailan mo huling ipinagmalaki ang pagiging Pilipino. Sa mga panahon, kung kailan maraming mga pagsubok na pinagdaanan ang bansang Pilipinas ay nararapat nating ipakita na tayo ay matatag. Ipakita natin sa lahat ng mga bansang umalipusta sa ating lahi na hindi tayo magigiba.

Gamit ang ating sariling wika ay maging huwaran tayong mga mamamayan sa buong daigdig. Paghusayan natin lahat ng ating gagawin upang mas makilala ang pagiging Pilipino sa labas ng bansa. Pagyamanin natin ang ating wikang Filipino sapagkat ito ang kaluluwa ng ating kultura at pagkakakilanlan. Gamitin natin at pagyamanin ito dahil ito ang susi sa ating pambansang kaunlaran.
3 4 3