Answers

2015-08-17T19:44:01+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
          Sinasabing nagsimula ang modernong panitikang Malay sa mga hikayat , isang akdang romantiko sa tuluyan. Isa sa mga pangunahing impluwensiya sa pag-unlad ng modernong kathang Malay ang mga panulat ni Abdullah bin Abdul Kadir Munshi (1797-1856). Sa kanyang paglalakbay sa arkipelagong Malay, itinala niya ang kanyang mga personal na obserbasyon atkritisismo ukol sa tradisyonal at kontemporaryong lipunang Malay. Ang pinagsamangindibidwalismo at realismo sa panulat ni Abdullah ay bago sa mundo ng panitikang Malay. Bagonoon, tanging ukol sa mga makabalaghang prinsipe’t prinsesa sa mga makalangit na kaharianang mga namayaning katha. Noong mga 1920-1930, unang nalathala ang mga nobela’t maikling kuwento. Sa simula, walang layuning pamapanitikan ang mga ito, maliban sa layuning didaktibo o pagkintal ngmabubuting aral. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, umiral ang isang bagong pagmumulat pampanitikan. Mula sa Unibersidad ng Malaya, nabuo ang samahang Asas ’50 na nagpasiglasa klimang pampanitikan at nagbigay-daan sa diskurso at eksperimentasyong pampanitikan. Naging islogan ng Asas ’50 ang “Sining para sa Lipunan.” Bagaman patuloy na sumulat angmga manunulat ukol sa mga suliranin ng lipunan, hindi nila tinalikuran ang pansining na aspektong pagsusulat.Ang Kuala Lumpur ang naging sentro ng modernong panitikang Malay noong dekada60. Hindi nalalayo sa ating Carlos Palanca Award for Literature, nagbigay-daan ang Dewan Bahasa Dan Pustaka sa panghihikayat na malimbag at mabigyan ng parangal ang mga kathang batikang manunulat. Ilan sa mga makabagong manunulat na namumukod-tangi sinaShahnon Ahmad at si Anwar Ridhwan. Mababanaag sa mga nobela ni Ahmad ang kuwento ngbuhay ng mga magsasaka mula sa isang nagkakaunawaang pananaw at sa paraan ngpagsasalaysay sa masidhi at makapangyarihan. Sa mga maikling katha ni Ridhwan, mabisaniyang nagamit ang pamamaraang eksperimental at makabago upang umayon sa karanasang Malay.  


1 1 1