Answers

2015-08-16T22:09:52+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
  Karaniwan, ang isang nobelang gothic ay may kasamang isang madilim na tagpo, kadalasan sa isang lumang kastilyo na nilikha sa pamamagitan ng pananabik pag-aalaala; ang hitsura ng mahiwagang palatandaan na kumilos bilang mga babala o hula; pagpapakilos ng mga malakas na damdamin; at siyempre isang binantaang babae na nangangailangan ng reskyo o saklolo.  Ang kuba ng Notre Dame ni Hugo ay naglalaman ng lahat ng mga sangkap. Unang-una  ay ang gothic katedral ng Notre Dame sa kanyang  mala kastilyong istraktura at mga pagpapaganda ng gargoyles, madilim malabo, kampanaaryong hagdanan, at mga lihim na silid. Ang  tagpuan na ito ay binibigyang-diin ang misteryo at agam. Pagkatapos ay  ang patuloy na daloy ng emosyon, kabilang na ang pag-asa,  maikling kaligayahan, sorpresa, pagkagulat, pagkabigo, at takot. Kabilang din sa mga ginamit ni Hugo na mga  elemento ay ang  hindi makatwiran, tulad ng pangkukulam, black magic, alchemy, kinahuhumalingan, at katusuhan. Nagdagdag din si Hugo ng propesiya o omen.
0