Answers

2015-08-05T23:50:41+08:00
May best friend rin ako. Kapag kaarawan niya o ano mang importanteng okasyon basta siya ang usapan, hinahanda ko ang sarili ko, nagkakaroon talaga ako ng bokasyon at sakripisyo katulad ng sa oras. Kung magbibigay ka maganda yung HINDI Ready made na, yung bibili ka lang ng walang kaeffort effort. Okay lang naman kahit binili basta yung thoughtful gift. Pero the Best kung ikaw mismo may gawa o nagdesign, eksperto man o hindi sa larangan na iyon. Nandyan kasi yung thought na naglaan ka talaga ng oras, at Time is gold, kaya masasabi na importante talaga kung sino man ang pagbibigyan ng regalo. Katulad noong sa akin, share ko sa'yo. Kaarawan ng matalik kong kaibigan, pinagana ko nalang yung pagiging artistic (daw) at creative ko, at pagiging resourceful. Haha. Yun, ginamit ko yung stock na album, di pa yun gamit kahit tagal ko na binili. Nag'design ako, sumulat ng kung anong message, basta yung mensahe na may kabuluhan, may joke at yung mapapa'oh, ang korni naman ngbff ko' haha. basta yun, depende yun sa personality at attitude ng bestfriend mo. Pero best part ko dun yung photos na magkasama kaming tumatawa, na alam mong totoo. Tsaka yung dalawang magkaibang kulay ng yarn (favorite colors namin) ginawa kong parang tao na magkaholdinghands na nagrerepresent sa aming dalawa pero may twist yung pagkadesign ko dun. Hehe. Overall, dapat mag'effort ka. Thoughtful. Yung may kabuluhan. Yung kung titingnan mo, mararamdaman na itong bagay na to ay precious o isang gem na dapat ingatan at pahalagahan. Pero kung ako bestfriend mo, gusto ko yung gift na magagamit ko sa daily life ko or lifestyle ko gaya ng alarm clock haha late riser kasi ako, o kaya pagkain na lang love ko choco, vanilla at cookies and cream na cake at ice cream. hehe. Depende rin kasi yan sa daloy ng pinagsamahan niyo. Yung personality ng bestfriend mo. Kung yung gift mo nauugnay ba o angkop ba sa bestfriend mo. Ganun. Basta, nasa sayo na yun. Haha. ^__^. Sana kahit magulo makatulong pa rin. Good luck!
0
At ito pa pala, mag effort ka man o hindi, kung importante ka talaga sa buhay niya, yung gift mo ituturing niya iyong gem, pagnakikita man niya yung gift mo, siempre maaalala ka nun, bestfriend ko siempre nagbigay nito nuh, pagtanda palang birthday ng isang tao isa na iyong patunay na may puwang ka sa buhay niya o kaya yung presence mo sa bawat mahalagang okasyon niya ay isa ng malaking gift. Hindi mapapantayan ng isang bagay ang personal kang nandyan at sumusuporta ka sa kanya. ^__^
Ayy, girl or boy ka man, thanks sa sagot mo na pagkahaba haba hahahah at sa pag effort na sagutin mo yung tanong ko hahaha thanks :))