Answers

2015-08-12T17:30:34+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Suring-basa sa kwento nila Cupid at Psyche.

PAMAGAT - Cupid at Psyche
MAY - AKDA - Hindi Matukoy
PAGKILALA NG MAY-AKDA -  Ang may-akda sa kuwentong ito ay hindi matukoy dahil ang kuwentong ito ay isang mito na nagpasalin-salin na mula sa isang henerasyon patungo sa iba.  Ito ay isinulat upang ipakita o ipahayag ang kultura ng mga sinaunang tao sa Mediterranean.
URI NG PANITIKAN - Isang mito, kwento na may kinalaman sa mga Diyos at Diyosa.
TEMA O PAKSA NG MAY-AKDA - Ang pag-iibigan nina Cupid at Psyche,isang mortal at isang anak ng Diyosa.
MGA TAUHAN -
             - Si Cupid ang anak ng Diyosa ng kagandahan na umibig sa isang                        mortal.
             - Si Psyche na isang napakagandang mortal na walang umibig na iba
                kundi si Cupid
             - Si Venus ang nanay ni Cupid na tutol sa kanilang pagmamahalan
             - Mga kapatid ni Venus
TAGPUAN - Sa isang malayong lugar sa Mediterranean
KAISIPAN NG MAY-AKDA - Isinualt ito ng may-akda upang muling ipaalala sa lahat na pantay-pantay ang lahat pagdating sa pag-ibig.
ISTILO NG PAGSULAT - Angkop ang mga salitang ginamit.
BUOD:
Noong unang panahon may isang napakagandang dilag na inibig ng isang anak ng Diyosa na si Cupid. Tutol ang nanay ni Cupid na si Venus sa pagmamahalang ito. Ngunit naging mag-asawa pa rin ang dalawa kahit hindi pa nakikita ni Psyche si Cupid. Sinulsulan si Psyche ng kanyang mga kapatid na dapat niyang makita ang mukha ng asawa dahil baka ito ay isang halimaw. Naniwala naman si Psyche at sinuway ang utos ng asawa na hindi muna nito dapat makita ang kanyang mukha. Nagkasugat sa mukha si Cupid sanhi ng pagkatagas ng langis mula sa ilawan na ginamit ni Psyche upang sipatin ang anyo ng dalaga. Nagalit si Cupid dahil sinuway siya ni Psyche at nagpasyang umalis muna.Ginawa lahat ni Psyche upang bumalik ang asawa sa kanya kahit pinahihirapan siya ni Venus ay hindi siya sumuko.Sa huli, ay naging imortal din si Psyche dahil sa ambrosia na binigay ni Jupiter at namuhay sila ng maligaya.
48 3 48