Answers

2015-08-13T10:40:02+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang Japan ay mula sa salitang "Nippon o Nihon" na ang ibig sabihin ay "Land of the Rising Sun". Shintoism ang pinakamalaki at pinakatradisyunal na relihiyon sa Japan na kung saan ay naniniwala sila kay "Kami" ang Diyos ng kalikasan na pinaniniwalaan ng mga naniniwala sa Shintoism. Ang "Kana" o ang "Hiragana" ay ang sistema ng pagsusulat na ginagamit ng mga Hapon. Mayabong at maunlad ang teknolohiya at industriyalisasyon sa Japan. 

Ang Korea ay dating kilala sa tawag na "Hermit Kingdom" dahil may mga panahon na hindi nakisalamuha ang Korea sa ibang bansa dahil mas pinili nitong pagtuonang pansin ang pagpapaunlad sa bansa na dumaan sa napakaraming pananakop ng ibang mga dayuhan. Ang kauna-unahang kaharian ng Korea at tinawag na "Chosun" o "Lupain ng Mapayapang Umaga". Nahati ang Korea sa North at South Korea pagkatapos ng World War II. Nanatiling demokrasiyang liberal ang Timog Korea at komunista naman ang Hilagang Korea. 

Ang China ay tinaguriang "The Sleeping Giant". Ito ay pinamumunuan ng iba't ibang dinastiya na nagsimula sa Dinastiyang Chin. Kilala ang China sa napakabantog nitong "Great Wall of China". Ito ay isang malapad at makapal na hanay ng mga bato na ginamit bilang harang sa mga nagpapalitang dinastiya noon. Isa ng dinadayong lugar ng mga turista ang Great Wall of China ngayon. Pumapangalawa sa Estados Unidos ang China pagdating sa ekonomiya. Isa ito sa pinakamaunlad na bansa ngayon. 

Ang Taiwan ay kilala ring bilang "Formosa" ang pinakamalaking pulo sa Tsina. Mayroong demokratikong pamamahala ang bansang Taiwan. Pinagsamang Buddhismo, Taoismo at sinaunang relihiyong Tsina ang ginagamit sa Taiwan dahil na rin sa malapit ito sa bansang Tsina.

Ang Mongolia ay tinawag na "Lupain ni Genghis Khan" dahil ito ay itinatag ni Genghis Khan at ginawang pinakamataong imperyo sa buong kasaysayan ng sinaunang kabihasnan. 
73 4 73
Awesome everything's I need is here...