Answers

2015-08-14T12:22:40+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating lipunan. Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao. Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema. Dahil dito, nagkakaroon ng pagbabago sa pangkalahatan ng lipunan na siya namang nagbibigay buhay dito. Dahil din sa panitikan ay nagkakaroon ng pag-asa ang mga miyembro ng lipunan upang ipagpatuloy ang kanilang buhay, gawain, at mga gampanin.Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod na henerasyon. 
68 3 68