Answers

2015-08-25T20:01:06+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
       Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Ang wikang ito ay isa sa mga tatak o pagkakakilanlan ng Pilipinas. Dahil sa paggamit ng iisang wika, nagdudulot ito ng pagkakaunawaan ng bawat mamamayan. Dahil sa pagkakaunawaang ito, nagkaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaisa na siya namang nagbubunga ng kaunlarang panlipunan. Ang kaunlarang panlipunan ay malaking bahagi ng pambansang kaunlaran.      



0