Answers

2015-09-09T18:03:01+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Halimbawa: Kapatagan ng Gitnang LuzonBundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. hal.Bundok Banahaw, Bundok Apo.Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.Talampas — patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito sa isang mataas na lugar.Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagatBulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.Tangos — mas maliit sa tangway.Disyerto — mainit na anyong lupakapuluan — mga grupo ng iba't ibang pulo
1 5 1