Answers

2015-09-13T17:38:55+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang duplo ay karaniwang itinatanghal sa ilalim ng isang temporaryong silungan sa harap ng tahanan ng yumao. Dalawang hilera ng mga upuan ang nakaayos sa batalan. Dito nakaupo, ang mga pangunahing karakter ng dula, ang villacas at villacos. Sa isa pang upuan sa gitna ng grupo nakaupo naman ang hari o ang duplero. Bago magsimula ang laro, ang mga karakter ay magbibilang upang ang bawat isa ay may nakalaan na numero.Ang iba pang mga karakter ng duplo ay ang fiscal, punong-abala, embahador, numero at agregado. Kapag ang duplo ay may romantikong tema, ang pagkakaayos ng mga manlalaro ay iniiba. Sila ay nakaupo sa isang bilog, kasama ang hari na nakaupo sa gitna.
0