Answers

The Brainliest Answer!
2015-09-14T19:14:23+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang lantay ay naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip.
  
   Halimbawa:
 
      · Ako ay matangkad.

Ang pahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pang-uring pahambing:
 
   Pahambing na pasahol o Palamang - ito ay nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa.
 
      Halimbawa:
 
         · Mas matangkad si Art kaysa sa akin.
 
    Pahambing na Patulad - ito ay nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho.
 
   Halimbawa:
 
      · Si Art at Mark ay magsingtangkad.

Ang pasukdol ay nagpapakita ng pinakamatinding katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip.
 
   Halimbawa:
 
      · Ako ang pinakamatangkad sa kanilang lahat.

--

--Have a magnificent Monday--
14 4 14