Answers

2015-09-26T14:26:57+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
                                   Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

      Makikilala sa ibaba ang mga tauhang nagbigay-buhay sa makulay na mundo ng koridong Ibong Adarna. Isa-isa nating kilalanin ang mga tauhang ito, pati na rin ang kani-kanilang ginagampanang papel upang dito pa lang ay malaman kung ano-ano ang aasahan sa kani-kanilang pakikipagsapalarang nagbigay kagandahan sa isang walang kamatayang korido ng bayan.

Ibong Adarna - Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang ibong tanging makapagpapagaling kay Haring Fernando sa pamamagitan ng magandang tinig nito.

Haring Fernando - Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.

Reyna Valeriana - Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro, at Don Diego.

Don Pedro - Siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana na nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.

Don Diego - Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ay tumungo rin sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman.

Don Juan - Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor.

Donya Maria - Siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ay isa sa mga babaeng minahal ni Don Juan.

Haring Salermo - Siya ang hari ng Kahariang Reyno de los Cristales na nagbigay ng matitinding pagsubok kay Don Juan.

Donya Isabel - ang kapatid ni Donya Maria Blanca

Donya Juana - kapatid ni Donya Maria Blanca

Donya Leonora - Siya ang magandang prinsesa ng Kaharian sa Armenya na nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan.

Donya Juana - isa siya sa mga prinsesa ng Kaharian sa Armenya na kapatid ni Donya Leonora

Ang Ermitanyo - matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong kay Don Juan

Ermtanyong Uugod-ugod - ang tumulong kay Don Juan upang manumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego

Arsobispo - ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora

Lobo - ang alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa Kaharian ng Armenya

Ang Higante - ang may bihag at nagbabantay kay Donya Juana

Ang Serpyente - malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay Donya Leonora

--

--Enjoy da day =)
0
2015-09-26T18:17:18+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Don juan- bunsong anak ni haring fernando
donya maria- anak ni haring salermo na kasintahan ni don juan
don pedro- panganay na anak ni haring fernando
don diego- pangalawang anak ni haring fernando
haring fernando- hari ng kahariang berbanya na ama ng tatlong prinsipe
reyna valeriana- asawa ni haring fernando, reyna ng kahariang berbanya at ina ng tatlong prinsipe
donya leonora- naging kasintahan ni don juan pero si don pedro ang nakatuluyan
donya juana- kasintahan ni don diego
haring salermo- ama ni donya maria
tatlong ermitanyo- tumulong kay don juan
higante- ang nakalaban ni don juan at nagbabantay kay donya juana
serpyenteng pitong ulo- nakalaban rin ni don juan at nagbabantay naman kay donya leonora
ita- alaga ni donya maria
lobo- alaga ni donya leonora at naggamot kay don juan
arsobispo- humatol na ikasal ng sabay ang dalawang magkapareha
ibong adarna- ang ibong gumamot kay haring fernando
0